Wednesday, December 15, 2021

220

Chapter 32

Part 2


Saglit kaming nagkatitigan bago ko siya marahang iginiya papasok sa kwarto habang maya’t mayang nagdadampi ng halik sa bawat sulok ng kanyang leeg at sinisinghot ‘yong nakalalasing na amoy niya mula ro’n.


Siguro, sa state of mind ko ngayon na medyo magulo pa dahil sa ‘di inaasahang pangyayari sa pamilya ko, mali ang gawin ko ito. Pero—ewan ko ba—kaya siguro tawag ng laman ang tawag dito, dahil hanggang sa kadulo-duluhan ng mga balahibo ko, tumutugon sa init na kasalukuyang bumabalot sa ‘ming dalawa. Dagdag pa ‘yong nakakabaliw na singaw ng katawan niyang lalong tumitindi sa bawat paglalapat ng mga labi namin.


Hindi ko alam kung hinila ko siya o itinulak niya ‘ko, pero sabay kaming bumagsak sa kama nang nakapatong siya sa ‘kin, magkasalit-salitan ang mga hita. Saglit siyang nag-angat ng mukha at tumitig sa ‘kin na parang humihingi ng pahintulot habang unti-unting idinidikit ‘yong katigasan niya sa ‘kin, at nang wala siyang makitang pagtutol, tuluyan na niyang idiniin sa katigasan ko ‘yong kanya.


Para ‘kong kinuryente.


Napaungol ako.


O siya yata ‘yon, hindi ko alam.


Ang alam ko lang, libog na libog na ‘ko.


Hinawakan ko siya sa leeg at muling hinalikan. Kusang gumalaw ‘yong katawan ko para ibalik ‘yong paulit-ulit at marahan niyang pagdiin sa ‘kin, at sa bawat pagniniig ng mga katawan namin, ramdam ko ‘yong mahina niyang pag-ungol sa loob ng bibig ko at sa gitna ng mga dibdib namin.


Hindi na ‘ko nakatiis. Pinadausdos ko pababa sa likod niya ‘yong kamay ko at hinawakan ‘yong laylayan ng T-shirt niya bago hilahin ‘yon paakyat ng katawan niya. Pagkarating sa leeg niya, para tuluyan niya nang mahubad ‘yong T-shirt, saglit na naghiwalay ang mga labi namin ngunit agad ring nagtagpo. At pagkatapos ay malaya ko nang naigala ang mga kamay ko sa mainit na balat ng kanyang dibdib at likod.


Pinutol niya ang halikan namin bago iniangat ang katawan niya mula sa ‘kin. Saglit na napako sa mga mata ko ‘yong mga mata niya bago naglakbay ang mga ‘yon pababa at tumigil sa dibdib ko.


“I love Tagaytay,” sabi niya.


Bahagya ‘kong natawa. “‘Yan pa talaga napansin mo, ah.”


“Sorry, kinakabahan kasi ako.”


Hinaplos ko ‘yong medyo balbon niyang dibdib at dinama ‘yong malakas na pagkabog doon. “Pwede namang ‘wag na nating ituloy e.”


“Hindi pwede.” 


Hinila niya pahubad ‘yong suot kong T-shirt bago muling yumakap sa ‘kin, balat sa balat, at saka muling inilapat ang mga labi niya sa ‘kin. Hindi ko maipaliwanag ‘yong pakiramdam ng balat niya sa balat ko pero halos mapaso ako sa init na alam kong nai-imagine ko lang ngunit ramdam na ramdam pa rin ng bawat sulok ng balat kong nakadikit sa kanya. At sa kabila ng init na ‘yon, hindi ko naman malaman kung sa paanong pwesto ilalagay ‘yong mga braso ko, na para lang sa pagyakap ko sa kanya, lalo pang maglapat ang mga balat namin sa isa’t isa.


Hanggang sa tanging ‘yong briefs na lang niya at ‘yong boxers ko ang namamagitan sa ‘ming dalawa.


Hinaplos niya ‘ko sa pisngi. “Planado ko na ‘to, alam mo ba?” sabi niya, bago inabot ‘yong pantalon niyang nasa gilid lang namin sa kama at bumunot mula sa bulsa ng dalawang sachet—isang lube at isang condom.


Ako naman ang nakaramdam ng kaba ngayon. Hindi ko naman kasi naisip na aabot sa condom ‘yong mangyayari.


“‘Wag kang mag-alala. Wala tayong gagawin na ‘di mo gusto.” 


“Tss.” 


Napailing ako’t bahagyang natawa sa asta niyang akala mo marami siyang alam, pero agad rin akong napapikit at napaungol nang mabilis niyang ipinasok ang mainit niyang kamay sa loob ng boxers ko at ibinalot iyon sa naninigas kong laman, na pagkatapos ay marahan naman niyang pinisil at paulit-ulit na hinimas-himas.


“Mark!”


Wala akong nagawa kundi tumitig lang sa mga mata niya. Ngumiti siya sa ‘kin at saka dahan-dahang naglapat ng mga halik mula sa mga labi ko, pababa sa leeg ko, sa dibdib, at sa tiyan, bago hinila pababa ‘yong boxers ko at—


“Mark!”


Halos pisilin ko ng dalawang mga kamay ko ang ulo niya.


Ang init!


“Mark!”


Muli siyang nagdampi ng mga halik sa katawan ko paakyat sa mga labi ko. “Yuan, mahal kita,” bulong niya, habang diretsong nakatitig sa mga mata ko. Saka niya muling inabot ‘yong sachet ng condom sa gilid namin, sinira ‘yong wrapper no’n sa harap ko, at pagkatapos ay buong ingat na sinimulang irolyo iyon pababa sa ‘kin.


Pilit kong itinago ‘yong nararamdaman kong pagkagulat. Pinanood ko lang siya habang isinusuot niya sa ‘kin ‘yong condom, at hindi ko naiwasang maantig. Siguro, walang kahit na anong kahulugan para sa kanya ‘yong ginagawa niyang iyon, pero ang dating kasi sa ‘kin, ibinibigay niya sa ‘kin ‘yong sarili niya.


Marahan kong hinaplos ‘yong mukha niya, ’yong ilong niya, ‘yong mga kilay, ‘yong pisngi, ‘yong mga labi niya, bago muling inilapat sa mga ‘yon ang mga labi ko. “Sorry, Mark. ‘Di pa ‘to katulad ng sa ‘yo pero, Mark, mahal din kita. Sana ramdam mo ‘yon.”


Ngumiti siya at tinapik ako sa pisngi. “Mahal kita,” sabi niya ulit, bago sinimulang ikalat ‘yong lubricant sa katigasan kong nababalutan na ng condom.


Napaungol ako, ramdam ‘yong pagsuko ng lahat-lahat sa loob ko sa daloy ng kanyang agos.


   
Buy Me A Coffee

Posted in